
CAUAYAN CITY – Umabot sa 16,811 ang mga magsasakang nagtatanim ng mais sa ikalawang rehiyon ang pagkalooban ng Fuel Discount Card ngayong Hunyo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 na sa labingwalong libong magsasaka na kanilang ipinasa para tumanggap ng fuel discount card ay 16,811 lamang ang inaprubahan dahil sa kakulangan ng pondo.
Ang mga benepisaryong magsasaka ay nakarehistro RSBSA at kailangang gumagamit ng hand tractor, pump at harvester batay sa national guidelines.
Ang discount card ay nagkaka-halaga ng tatlong libong piso na isasakada nila sa mga napiling gasoline Stations.
Sa ikalawang rehiyon ay mayroong mahigit pitumpong gasoline station maaring isakada ng mga magsasakang nagtatanim ng mais ang kanilang Discount Card na nagkakahalaga tatlong libong piso.










