
CAUAYAN CITY– Muling nanawagan sa pamahalaan ang mga health workers na pagtuunan ng pansin ang healthcare system sa bansa.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbibitiw sa puwesto ng maraming nurses sa mga ospital at nagtutungo sa ibang bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni G. Jao Clumia, pangulo ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) na sa kanilang hanay lamang ay umabot na sa 200 ang mga healtcare workers na nagbitiw sa puwesto kaya hindi pa nabubuksan ang dalawang unit ng pagamutan.
Ayon kay Ginoong Clumia, overworked na ang mga naiwang nurses dahil hindi pa napapalitan ang mga umalis.
Ganito rin ang hinaing ng ibang samahan ng mga healthcare workers.
Nakikipagtulngan sila sa management dahil kung patuloy ang pag-alis ng maraminng nurses ay maaaring magsara ang ilang pribadong ospital at madadamay lahat.
Ayon kay Clumia, maluwag na sa ibang bansa kaya marami ang nakukuhang Pilipino nurses na iniinda ang mababang sahod at delayed na benepisyo.
May batas aniya na nilagdaan si Pangulong Rodrigo Duterte ngunit hindi naman naipapatupad.
Kung hindi sila nagsagawa noon ng kilos protesta ay hindi pa nila natanggap ang benepisyo na dapat nilang matanggap sa ilalim ng Bayanihan 1 at 2.
Kabilang dito ang special risk allowance at meals accomodation at transportation allowance.










