
CAUAYAN CITY – Hinimok ng City Permit and Licensing Office ang mga bagong negosyante na isecure ang kanilang mga Permit bago mga bukas ng kanilang negosyo .
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Artemio Villaluz ang Department Head ng City Permit and Licensing Office hinimok niya ang mga bagong negosyante na agarang iproseso ang kanilang business permit bago ang operasyon ng kanilang mga negosyo.
Sa pamamagitan ng Business One Stop Shop ay patuloy ang operasyon sa pagbibigay ng permit sa mga New Business Owners.
Dadaan aniya ang permiso sa City Planning and Development Office, City Engineering Office para sa pagtitiyak ng kanilang Parking Space, City Health Office at maging sa CENRO bago ang kanilang pinal na pagtaya at pagpapalabas ng permit.
Mahalagang maging legal ang negosyo at maging patas ang bawat business owners sa iba pang negosyante upang mapaganda ang takbo ng ekonomiya sa Lunsod.










