--Ads--
CAUAYAN CITY – Nasabat ng mga awtoridad ang ilang iligal na pinutol na kahoy sa Cabisera 10, City of Ilagan dakong alas nuebe kagabi.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isang concerned citizen ang nagpaabot ng impormasyon sa mga awtoridad kaugnay sa nangyayaring water logging activities sa bahagi ng Abuan River.
Agad nagsagawa ng anti-illegal logging operation ang mga kasapi ng 201st Maneuver Company Regional Mobile Force Battalion at CENRO Naguliian.
Nakuha sa lugar ang 18 piraso ng common hardwood round logs partikular na ang Red Lauan at Tanguile habang wala namang nakita na may-ari sa mga ito.
--Ads--
Nasa pangangalaga na ng DENR CENRO Naguilian ang mga naturang nilagaring kahoy.










