--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihinalang nagpakamatay ang isang welder na natagpuang wala ng buhay sa loob ng kanilang bahay sa Maluno Sur, Benito Soliven, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang nagbigti ay si alyas Lando, 48-anyos, may asawa, Barangay Treasurer at welder na residente ng nabanggit na lugar.

Ayon sa Benito Soliven Police Station, nakatanggap  sila ng impormasyon mula kay Punong Barangay Crisanto Ancheta kaugnay sa pagpapatiwakal umano ng isang welder na agad nilang tinugunan.

Lumabas sa kanilang imbestigasyon na nagbigti ang welder gamit ang tali ng isang shoulder bag na agad nitong ikinasawi.

--Ads--

Ayon sa pahayag ng mga kaanak ng welder, ilang araw na umano itong balisa sa hindi nila malamang dahilan.

Maayos naman ang relasyon nito sa kanyang misis na nasa ibang bansa at wala naman umanong nababanggit na probema.