CAUAYAN CITY – Planong ipatupad sa susunod na taon sa Cauayan City ang programang scholarship para sa mga elementary at high school students.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Jaycee Dy sa kanyang pananalita sa naganap na inagauration at turn over ceremony ng multi purpose gymnasium sa Cauayan City National High School (CCNHS) na mayroon silang programang ipapatupad sa susunod na taon at ito ay ang pagbibigay ng suporta sa mga gradeschool hanggang high school students.
Katuloy ito ng programa ng pamahalaang panlalawigan na BRO for education kung saan ang gagawin naman nila ay magiging libre ang miscellaneous fee ng mga mag-aaral sa elementarya at maging sa High School.
Ito ay upang hindi na isipin pa ng mga magulang ang tuition fee ng kanilang mga anak at ito na rin ang magiging tulay ng mga mag-aaral upang mapabilang sa programa ng Provincial Government na One Scholar One Family.
Sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga programa ay mas mapapaganda ang pagtuturo ng mga guro at pag-aaral ng mga estudyante.










