--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot na sa 1.39 billion pesos ang halaga ng mga nasira sa agricultural crops, livestock, fisheries at high value crops ng bagyong Florita batay sa inilabas na partial report ng DA Region 2.   

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo na ang damage sa agricultural crops, livestock at fishery sa buong rehiyon ay umaabot na 1.399 billion pesos at madadagdagan pa ito sa kanilang final report na ilalabas sa araw ng Lunes.

Sa palay ay 19 million pesos ang halaga ng partially damage.

Malaki ang halaga ng mga nasirang mais na umaabot sa 1.3 billion pesos na kinabibilangan ng 4,500 hectares totally damage at 62,946   hectares partilally damage.

--Ads--

Sa high value crops na pawang partially damage ay nagkakahalaga ng  25 million pesos.

Sa livestocks ay mayroong mga namatay na kambing, kalabaw, baboy, manok, pato at iba pa  na  aabot sa 1.9 million pesos.

Sa fisheries batay sa ulat ng BFAR ay 3.2 million pesos.

Sinabi pa ni RED Edillo na iniutos na ng tanggapan ng oangulo na siya ring kalihim ng DA na mag-finalized na ng ulat ang DA Region 2.

Inatasan na ng DA Region 2 ang mga City at Municipal Agriculture Offices sa Region 2 na ang deadline ng kanilang final report ay sa Lunes, August 29.

Tinig ni Regional Executive Director Narciso Edillo.