--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 2,614 ang napagkalooban ng DSWD Region 2 ng Educational Cash Assistance sa pitong lugar na pinagsagawaan ng pay-out kahapon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Information Officer Michael Gaspar ng DSWD Region 2 na naging maayos ang pamamahagi kahapon ng Educationl Assistance kumpara noong August 20 na nagkaroon ng kaguluhan.

Sa September 3 ay magsasagawa ang DSWD Region  2 ng one pay-out sa kada LGU sa Cagayan habang may mga naka-schedule ring pay-out sa Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Sa ngayon ay umaabot na sa mahigit 100,000 ang natanggap ng DSWD Region 2 na online registration para sa educational cash assistance ng student in crisis situation na karamihan ay sa Isabela na aabot sa mahigit 50,000 applicants.

--Ads--

Nauna nang sinabi ng DSWD na limitado ang pondo para sa pamamahagi ng ayuda sa mga mag-aaral at hindi kakayanin na mabigyan lahat ang mga nakapag-apply online kaya magsasagawa sila ng assessment sa mga applications.

Tinig ni Information Officer Michael Gaspar.