--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 1,200 ang mga estudyante sa kolehiyo sa Cauayan City ang lumahok sa ginanap na  general orientation para sa mga city scholar sa F.L. Dy coliseum kaninang umaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Wilma Sales, isang fourth year college student, sinabi niyang malaking tulong sa kanila ang programa ng pamahalaang lunsod ng Cauayan.

Ayon sa talaan ay mahigit 1,200 ang mga scholar sa lunsod at karamihan sa kanila ay pumila ngayon para sa ginanap na orientation.

Ayon naman kay Sangguniang Panglunsod Member Bagnos Maximo, sisikaping dagdagan ng city council ang pondo para sa mga city scholar upang mas marami pa ang benepisaryo.

--Ads--

Para sa mga nagnanais na mapabilang sa  city scholar ay kailangang magpasa ng Certificate of Enrollment, Certificate of Grade at Assessment mula sa eskwelahan.

Tatlong libong piso ang ibinibigay ng pamahalaang lunsod ng Cauayan bawat semestre sa mga scholar.

Cash na matatanggap ito ng mag-aaral sa public school habang diretso itong ibabawas sa matrikula ng mga nag-aaral sa pribadong paaralan.

Tinig ni Wilma Sales.