--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nagsagawa ng inspection ang mga opisyal ng barangay Sillawit, Cauayan City sa isang piggery farm sa kanilang nasasakupan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Kapitan Michael Evangelista ng barangay Sillawit, sinabi niya na dahil sa sunud-sunod na reklamo ng ilang residente ay muli silang nagsagawa ng inspection sa Petines farm.

Batay sa kanilang inspection ay nakita nila na bukas ang lagoon sa nasabing farm na pinanggagalingan ng amoy at butas na rin ang mga pipe.

Ayon kay Barangay Kapitan Evangelista, nagpaalam sa kanya ang may-ari ng nasabing piggery farm na muli silang maglalagay ng mga baboy at sinabihan naman niya na dapat ay nagkausap na sila ng sanitation office at dapat na masunod ang lahat ng mga panuntunan katulad ng paglilinis ng mga pasilidad para hindi makaperwisyo sa mga residente.

--Ads--

Panawagan niya sa may-ari o sa caretaker ng Petines farm na agad na tugunan ang mga reklamo sa kanila dahil maraming beses na itong idinulog sa kanilang tanggapan.

Tinig ni Kapitan Michael Evangelista.