--Ads--

CAUAYAN CITY –  Umabot sa 5,000 kilo ng basura ang nahakot sa isinagawang malawakang cleanup drive bilang bahagi ng International Coastal Cleanup na nilahukan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Pinangunahan ng DENR Region 2 ang massive cleanup drive sa  iba’t ibang lugar sa rehiyon na hakbang tungo sa mas ligtas at malinis na anyo ng tubig.

Nalikom sa aktibidad ang 5,400 kilograms ng non-biodegradable waste at residual waste sa 43.5 kilometers clean up drive area na kinabibilangan ng mga coastal areas, ilog, at estero.

Nasa 2,290 na mga kawani naman ng DENR ang nakilahok sa aktibidad katuwang ang mga ahensya ng pamahalaan.

--Ads--