--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit nang ipapatupad ng Echague Police Station ang curfew hour at mabigat na penalty sa sino mang may-ari ng mga tindahan na magbebenta ng inuming alak sa mga menor de edad pangunahin na ang mga tindahan na malapit sa mga paaralan o unibersidad.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PMaj. Rogelio Natividad, hepe ng Echague Police Station na ito ang kanilang hakbang matapos na may mangyaring pagnanakaw ng isang motorsiklo malapit sa Isabela State University Echague Campus na hinihinalang kagagawan ng mga kabataan.

Nanawagan sila sa mga kabataan na kapag alas diyes na ng gabi ay hindi na sila magpagala-gala sa nasabing bayan.

Sinabi pa ni PMa. Natividad na papatawan ng multa batay sa nilalaman ng ordinansa ang sino mang magbebenta ng alak sa mga menor de edad.

--Ads--

Hindi lamang multa ang kanilang ipapatupad sa sino mang magbebenta ng alak sa mga menor de edad dahil maari rin silang matanggalan ng permit.

Tinig ni PMaj. Rogelio Nativida.