
CAUAYAN CITY – Nagsasagawa ng clearing operation ang mga kasapi ng 77th infantry Battalion matapos ang naganap na engkuwento sa Tanglagan, Gattaran na nagresulta sa pagkamatay ng isang rebelde.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Capt. Bryan Albano, CIVIL MILITARY OPERATIONS OFFICER NG 501ST INFANTRY BRIGADE na nakatanggap ng impormasyon ang kasundaluhan ukol sa presensya ng rebeldeng pangkat sa Barangay Tanglagan.
Agad nagsagawa ng security operation ang 77th infantry Battalion katuwang ang 52nd Division Reconnaisance Company o DRC.
Natukoy ang kinaroroonan ng komunistang grupo at umabot ng isang oras at tatlumpong minuto ang palitan ng putok na nagresulta sa pagkamatay ng isang rebelde.
Mayroon ding palatandaan na may mga nasugatan sa panig ng mga rebelde kaya patuloy ang clearing operation ng mga sundalo sa pinangyarihan ng labanan.
Narekober ng kasundaluhan ang isang K3 Squad automatic rifle, isang M653 assault rifle, isang R4 assualt rifle, tatlong rifle grenades, tatlong improvised explosive device o IED, labing apat na blasting Caps, dalawang rolyo ng detonating cord, isang detonator, 69 rounds ng caliber 45 ammo, 376 rounds ng 5.56 mm ammo, 150 rounds ng 5.56 link ammo, tatlong bandoliers, pitong celphone at mga charger, dalawang radyo na may apat na charger, dalawang transistor radios, apat na simcards, isang maliit na solar panel, walong backpack, personal na gamit, medical paraphernalia, gamot at ilang mga subersibong dokumento.
Tinatayang nasa halos dalawampong rebelde ang nakasagupa ng kasundaluhan.
Bago anya ang labanan ay nagsasagawa ng Community Support Program ang kasundaluhan sa nabanggit na lugar.
Patuloy naman ang panawagan ng Cagayan Provincial Task Force-ELCAC sa natitira pang myembro ng Komunistang Grupo na sumuko na at itigil na ang kanilang walang kabuluhan at huwad na ideolohiya.








