--Ads--

CAUAYAN CITY– Tinapos na ng anim na Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP Investigator at Mechanic ang kanilang imbestigasyon sa crash site sa barangay Ditarum, Divilacan, Isabela.

Nauna rito ay kasama ng mga CAAP Investigator at Mechanic na nagtungo sa crash site ang mga kasapi ng 95th Infantry Batallion Phil. Army , dalawang kasapi ng PNP Divilacan, dalawang kasapi ng Rescue Divilacan at anim na Rescue volunteer na Dumagat.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer at Engineer Ezikiel Chavez ng Divilacan, Isabela na kinuha ng mga Investigator at Mechanic ng CAAP ang ilang bahagi ng Cessna 206 Plane at nakaalis na rin sila sa nasabing bayan.

Ang ilang bahagi ng Cessna Plane ay naiwan sa crash site.

--Ads--

Sinabi pa ni Engineer Chavez na sinuyod anya mga lugar malapit sa crash site ngunit nabigo silang matagpuan ang nawawalang ulo ng isa sa mga pasahero.

Ayon pa kay MDRRM Officer Chavez nagtiwala sila sa kanilang kakayanan at nagdasal sa panginoon upang mahanap nila ang nawawalang eroplano matapos ang mahigit apatnapong araw na paghahanap.

Ang pahayag ni Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer at Engineer Ezikiel Chavez ng Divilacan, Isabela.