CAUAYAN CITY – Magtatapos na ngayong araw ang Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2023.
Sa medal standing ay nangunguna ang delegasyon ng Cagayan na may 93 gold, 87 silver at 92 bronze habang pangalawa ang Isabela na may 85 gold, 82 silver at 100 bronze.
Ang Nueva Vizcaya ay may 60 gold, 62 silver at 72 bronze habang ang pang-apat na Santiago City ay may 54 gold, 45 silver at 40 bronze.
Panglima ang Tuguegarao City na may 42 gold, 48 silver at 48 bronze habang ikaanim ang lalawigan ng Quirino na may 34 gold, 27 silver at 42 bronze ang Quirino.
Ang Lunsod ng Ilagan ay may 33 gold, 43 silver at 51 bronze habang ang Cauayan City ay may 15 gold, 17 silver at 36 bronze.
Mayroon namang 4 gold, 4 silver at 7 bronze ang Batanes.
Natapos na ang lahat ng mga athletics events kahapon at pinarangalan na rin ang mga atleta na nagkampeon sa mga natapos ng event.