CAUAYAN CITY – Handa na ang mga food and non-food items na ipapamahagi ng DSWD region 2 sa mga maaapektuhan ng bagyong Betty.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucy Alan ng DSWD region 2 sinabi niya na nakahanda na ang stock pile ng family food packs na aabot sa 42,474 and non-food items na 12,528.
May mga preposition booths na rin ang DSWD region 2 sa lahat ng mga Local Government Units (LGU) habang ang mga stockpile ay nanatili pa rin sa kanilang mga warehouse sa Tuguegarao City, Lal-lo, Abulug, Santiago City, at Isabela compound.
Ano mang oras na madagdagan ang preposition booths ay handa na rin ang DSWD region 2.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang bilang ng evacuees sa mga evacuation centers gayunman ay handa ang mga LGU na magkaroon ng pre-emptive evacuation.