CAUAYAN CITY – Nasawi ang isang 15-anyos na binatilyo matapos mahulog sa ikatlong palapag ng kanilang bahay sa Lower Caluttit, Bontoc, Mt. Province.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, bago ang insidente ay nakipag-inuman ang biktima sa kanyang kaklase at nakatatandang kapatid.
Nagpaalam umano siya na matutulog na at umakyat sa ikatlong palapag ng kanilang bahay subalit makalipas ang ilang sandali ay nakarinig ang kanyang kapatid ng malakas na kalabog.
Nang tingnan ay nakita na lamang nila ang biktima na nakahandusay sa lupa.
Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit idineklara nang dead on arrival ng kanyang attending physician.
Ayon sa doktor nagtamo ng traumatic brain injury at multiple facial fractures ang biktima dahil sa kanyang pagkalahulog.