--Ads--

CAUAYAN CITY- Bagsak kulungan ang isang lalaki matapos nitong hampasin ng chopping board at bakal ang dalawang barangay worker sa Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jolly Villar, Information Officer ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sinabi niya na nagtratrabaho sa barangay hall ang suspek at inatake ang dalawang kasamang barangay workers nito.

Batay sa kanilang pagsisiyasat ang suspek ay may kapansanan sa pag-iisip sanhi para magawa nito ang pananakit.

Aniya, ang isang biktima ay nagpapagaling matapos na magtamo ng sugat sa ulo at mata dahil sa insidente.

--Ads--

Ito ang unang pagkakaton na nanakit ang supsek at ngayon ay mahaharap sa kasong frustrated homicide.

Handa naman ang pulisya na tumulong sa gamutan ng suspek para hindi na sumpungin ng kaniyang karamdaman at hindi na makapanakit pa ng iba.