--Ads--

CAUAYAN CITY – Dismayado ang isang Political Analyst sa naging rason ng pagpapalit ng Liderato ng Senado.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Michael Henry Yusingco, Political Analyst, sinabi niya na ang pagbabago sa Liderato dahil sa sinasabi ni Sen. Juan Miguel Zubiri na may mga nagnanais na tanggalin ang independence ng senado ay malinaw anyang halimbawa ng Partisan Politics.

Nararapat lamang anya na malaman ng taumbayan ang dahilan ng pagpapalit ng liderato ng senado para sa transparency.

Sakali man anya na mawala ang independence ng senado ay mawawala na rin ang check and balance at posibleng mapagtakpan na rin ang mga hindi tamang nangyayari sa iba pang sangay ng pamahalaan.

--Ads--

Ayon kay Atty. Yusingco, magkakaroon lamang ng independence ang senado kung magkakaroon ng tunay na Political Parties sa bansa at hindi ang mga Political Dynasties.