--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga operatiba ng Bambang Police Station ang isang Street Level Individual (SLI) sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 5, Brgy. Sto. Domingo, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakalap na impormason ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office kinilala ang suspek na si alyas Rudy, 43- anyos, may asawa, magsasaka at residente ng parehong nabanggit na lugar.

Sa pinagsanib na pwersa ng Bambang Police Station katuwang ang PDEU-NV ay nakuha sa pag-iingat ni alyas Rudy ng nagpanggap na buyer ang  mga pakete ng shabu sa hindi pa matukoy na  halaga at timbang.

Nakuha din sa pag-iingat ng suspek ang drug paraphernalia at non-drug-related items.

--Ads--

Kasalukuyang nakapiit sa Bambang Police Station ang suspek para sa dokumentasyon at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.