--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang estudyante matapos na sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa likuran ng nasiraang trailer truck sa bahagi ng Brgy. Bugallon Norte, Ramon Isabela.

Ang nasawi ay si Rodel, 23-anyos isang college student habang ang driver ng truck ay nakilalang si Honeybon Espiritu na residente ng Brgy. Sinippil, Reina Mercedes, Isabela .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Nelson Acirit, Deputy Chief of Police ng Ramon Police Station sinabi niya na nasiraan ang trailer truck sa kahabaan ng National Highway bagamat kumpleto aniya sa warning device at naka hazard pa ang truck habang nagmamando ng trapiko ang pahinante ay bumangga parin ang  humaharurot na motorsiklo ng biktima sa likuran ng truck.

Nagawa pa namang madala sa pagamutan ang biktima para malapatan ng lunas subalit makaraan ang ilang sandali ay binawian din ng buhay.

--Ads--

Ayon naman sa pamilya ng biktima na pauwi na sana ito sa kanilang bahay ng maganap ang aksidente.

Isa sa nakikitang dahilan kung bakit napuruhan ang biktima dahil sa wala itong suot na helmet nang mangyari ang insidente.