--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahandaan na ng Security Task Force ang planong night classes ng ilang paaralan sa lungsod ng Cauayan.

Matatandaang hiniling ng Cauayan City Stand Alone Senior High School sa pamahalaang lungsod na mapayagan ang night shift classes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ret. Col. Pilarito Malllillin, chief ng Public Order and Safety Division o POSD sinabi niya na dati nang may mga college students ang may night classes ngunit ngayon lamang maaring magkaroon ng night shift classes ang mga high school students sa lungsod.

Dahil dito tiniyak ni POSD Chief Mallillin na mas hihigpitan nila ang pagbabantay sa gabi upang mabantayan ang mga mag-aaral na papasok sa paaralan para sa kanilang night classes.

--Ads--

Aniya kailangang mabantayan ang pag-uwi ng mga mag-aaral dahil sa maaring mangyari sa kanila sa daan.

Napagplanuhan na rin nila ang mga lugar kung saan itatalaga ang mga kasapi nilang magbabantay tuwing gabi.