--Ads--

Nahaharap ngayon sa kaso ang PBA player na si John Amores matapos masangkot sa insidente ng pamamaril sa kanyang sariling lalawigan sa Laguna nitong Miyerkules.

Lumabas sa mga ulat na nagkaroon ng mainitang pagtatalo si Amores at isa ring player sa isang basketball game sa Lumban.

Nakunan naman sa CCTV ang nangyaring kaguluhan at kalaunan ay na-upload sa social media.

Matapos ang insidente ay agad na nagsagawa ng dragnet operation ang kapulisan upang mahanap si Amores.

--Ads--

Ang nasabing insidente ay dalawang taon matapos naman ang pag-aamok ni Amores sa laban ng College of St. Benilde at Jose Rizal University sa NCAA.

Sa kabila nito ay nabigyan ng pangalawang pagkakataon si Amores matapos na kunin ng NorthPort Batang Pier sa fifth-round ng 2023 PBA Rookie Draft.