--Ads--

CAUAYAN CITY – Magpapalit na ng liderato ang Police Regional Office o PRO 2 matapos ang mahigit isang taong pamumuno ni outgoing Regional Director PBGen. Christopher Birung.

Ang naturang opisyal ay papalitan ni PBGen. Antonio Pacis Marallag Jr., dating Director ng National Head Quarters ng Philippine National Police na tubong Tuguegarao City, Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Sharon Mallillin, Tagapagsalita ng Police Regional Office 2, sinabi niya na nakatakdang isagawa ang pormal na turn-over ng posisyon sa Biyernes, ika-27 ng Setyembre.

Maitatalaga naman bilang bagong Director ng Philippine National Police Academy (PNPA) si PBGen. Birung kung saan inaplayan niya mismo ang posisyon para tumaas ang kaniyang ranggo at maging Police Major General.

--Ads--

Sa maikling panahon na panunungkulan ng outgoing Regional Director ng PRO 2 ay marami naman umano itong nagawa sa kanilang hanay na siyang naging tulay para mapanatili ang kapayapaan sa Lambak ng Cagayan.

Asahan naman ang pagbabago sa buong hanay ng PRO 2 partikular sa pagpapalit o pagre-assign sa mga opisyal pangunahin na ang mga Chief of Police sa ilang bayan at Lungsod.