--Ads--

Labis ang pag-aalala ngayon ng isang misis dahil sa dalawang Linggo nang hindi nakakauwi sa kanilang bahay ang kaniyang asawa na si Jerome Cabanayan na residente ng District 4, San Manuel, Isabela.

Sa Exclusive Interview ng Bombo Radyo Cauayan sa asawa ng nawawala na si Princess Pardua Cabanayan sinabi niya na umalis sa kanilang bahay ang asawa niyang si Jerome noong September 10 ng gabi at bumiyahe patungong Maynila sakay ng kaniyang motorsiklo para mag follow up sa isang health insurance.

September 11 ay nakadaan pa umano ito sa kaniyang pinsan sa San Jose, Nueva Ecija at bumalik sa agency na kaniyang pinuntahan hanggang sa September 13 ay hindi na ito muling nakakontak sa kaniya.

Batay sa kaniyang mister na nawala umano ang charger ng kaniyang asawa kaya naki-charge umano ito subalit makalipas ng ilang araw ay hindi na ito nagparamdam.

--Ads--

Naiulat na nila ang insidente sa himpilan ng Pulisya para makipagtulungan sa paghahanap sa kaniyang Mister.

Panawagan niya sa sinomang nakakita sa kaniyang mister na makipag-ugnayan sa kanila at sa pinakamalapit na himpilan ng Pulisya.

Huling nakita si Jerome na naka suot ng black t-shirt, maong na pantalon at putting sapatos.