--Ads--

CAUAYAN CITY- Daan-daang mga deboto ang dumagsa sa Our Lady of the Pillar Parish Church para makiisa sa kapistahan ng Our Lady of the Pillar.

Dahil sa dami ng mga deboto ay hindi na nabigyan pa ng pagkakataon ang ilan na makapasok sa mismong simbahan kaya’t marami ang nanatili na lamang sa labas habang nakikinig sa misa.

Bagama’t marami ang nakiisa sa fiesta mass ay naging maayos naman ang parking space sa lugar.

Nakaantabay naman ang mga kasapi ng Public Order and Safety Division sa lugar para panatilihin ang kaligtasan at kaayusan sa simbahan.

--Ads--