--Ads--

Ipinatutupad ng mga otoridad ang mahigpit na pagbabantay sa seguridad at kaayusan sa pagdiriwang ng ika-285 Patronal Fiesta ng Our Lady of the Pillar Parish Church sa Cauayan City.

Nakadeploy ang nga personnel ng Philippine National Police, Public Order and Safety Division (POSD), at rescue team, at mga Barangay tanod upang mapanatili ang kaayusan at matiyak ang kaligtasan ng mga deboto at bisitang nakikiisa sa taunang kapistahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay POSD Chief Pilarito Mallillin, sinabi nito na kabilang sa kanilang mga hakbang ang crowd monitoring, pagsubaybay sa daloy ng mga tao at trapiko, gayundin ang pagtugon sa mga posibleng insidenteng maaaring makaapekto sa seguridad ng publiko.

Samantala, hindi pinapayagang makapasok sa loob ng simbahan ang mga motorsiklo bilang bahagi ng mga hakbang upang mapanatili ang kaayusan at matiyak na maluwag ang mga daanan sa lugar na pinagdarausan ng mga religious activities.

--Ads--

Dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga deboto, hinihikayat din ang mga motorista na sumunod sa mga itinakdang alituntunin at tagubilin ng mga awtoridad upang maiwasan ang anumang sagabal sa daloy ng mga tao at matiyak ang ligtas at maayos na pagdiriwang ng kapistahan.