--Ads--

Napanatili ng bagyong Kristine ang lakas nito habang nasa Philipine Sea at patuloy sa pagkilos pakanluran.

Huling namataan ang sentro ng bagyong Kristine sa layong 480 km East of Catarman, Northern Samar. Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55km per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70km per hour.

Kumikilos ang bagyo pakanluran sa bilis na 15km per hour.

Lumawak naman ang mga lugar na nakataas sa signal no. 1 na kinabibilangan ng eastern portion ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Maconacon, Divilacan, San Mariano, Ilagan City, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, City of Cauayan, Benito Soliven, Angadanan, Naguilian), southeastern portion ng Quirino (Maddela, Nagtipunan), southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda), Aurora, northern at eastern portions ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real) maging ang Polillo Islands, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate maging ang Ticao Island at Burias Island.

--Ads--

Signal no. 1 din ang ilang lugar sa Visayas pangunahin ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, and Southern Leyte.

Sa Mindanao, signal no. 1 din ang Dinagat Islands and Surigao del Norte including Siargao – Bucas Grande Group

Batay sa forecast ng weather bureau patuloy na lalakas sa mga susunod na araw ang bagyo habang ito’y umuusad sa Philippine Sea at inaasahang magiging typhoon bago ito mag-landfall sa hilagang-silangang bahagi ng Cagayan sa Biyernes.

Ngayong araw magdadala na ng pag-ulan ang naturang bagyo sa Quezon, Bicol, at Eastern Visayas, habang ang trough nito ay maaaring magdulot ng sama ng panahon sa Metro Manila, natitirang bahagi ng Southern Luzon at Visayas, Sulu Archipelago, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, at Caraga.