--Ads--

CAUAYAN CITY- Nai-turnover na sa Department of Agriculture Cauayan City ang mga hybrid rice na libreng ipamamahagi sa mga magsasaka sa lungsod ng Cauayan

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Jefferson Damaso
Technical Promo Specialist, aniya, ang hybrid rice ay mayroong timbang na 3kls hanggang 15 kilos.

Ang Department of Agriculture na aniya ang bahala na mag distribute sa mga nangangailangang rice farmers.

Tiyak naman aniya na maraming matutulungan ang hybrid rice lalo na ngayon at apektado ang mga magsasaka sa sunod sunod na bagyo na tumama sa Isabela.

--Ads--