--Ads--

Inaasahang makakalikom ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit ₱10 bilyong karagdagang kita ng pamahalaan sa planong pagtataas ng taripa sa imported pork na gagamitin umano sa pagpapalakas at modernisasyon ng livestock, poultry at dairy industry ng bansa.

Ayon sa DA, makatutulong ang dagdag na pondo sa pagpapatupad ng ₱20-bilyong taunang Animal Competitiveness Enhancement Fund, kabilang ang pagpaparami ng baboy, pagpapalakas ng biosecurity at pagpapataas ng produksyon ng lokal na hog industry.

Gayunman, nagbabala ang Meat Importers and Traders Association na posibleng magdulot ng mas mataas na presyo ng karne, de-lata at pagkain sa mga restaurant ang pagtataas ng taripa.

Sa halip, iminungkahi ng grupo na palawigin ang umiiral na mas mababang taripa sa imported pork lampas sa 2028 upang mapanatili ang katatagan ng presyo at negosyo.

--Ads--