--Ads--

Nakatakdang pasinayaan at buksan sa publiko ang Capital Arena sa Lungsod ng Ilagan bukas, ika-24 ng Nobyembre taong 2024.

Ito ang pinakamalaking Arena sa Lambak ng Cagayan na mayroong 10,000 seating capacity.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City of Ilagan Public Information Officer Paul Bacungan, sinabi niya na ang pagbubukas ng Capital Arena ay kasabay ng State of the City Address ng Alkalde ng Lungsod ng si Mayor Jose Marie Diaz.

Bago ang gagawing pagpapasinaya sa Capital Arena ay magkakaroon muna ng groundbreaking Ceremony para sa bagong gusali ng Department of Trade and Industry at ng DedEd City of Ilagan Division.

--Ads--

Inaasahan namang dadalo ang mga Provincial at Regional Directors ng iba’t ibang ahensya maging ang ilang mga opisyal sa Lalawigan.