--Ads--

CAUAYAN CITY – Kulungan ang bagsak ng isang lalaki na Number 1 Most Wanted Person – Regional Level  matapos madakip ng mga awtoridad sa isinagawang manhunt operation.

Kinilala ang akusado na si alyas Chan, 26 yrs old,  construction worker at residente ng Minante 2, Cauayan City, Isabela

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, isinagawa ang manhunt operation ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station kung saan nahuli nila ang nasabing akusado sa nasabing barangay.

Si Chan ay nahaharap sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

--Ads--

Sa ngayon ay nasa pangagalaga na ng Cauayan City Police Station ang nasabing akusado para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon.