CAUAYAN CITY- Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang construction worker sa Barangay Sto. Domingo Alicia, Isabela.
Ang biktima ay si Dominador Queja, 29-anyos na residente ng Zamora Alicia, Isabela.
Ayon sa Pulisya nagsagawa sila ng occular inspection at nakumpirma na ang lugar kung saan naganap ang aksidente ay sakop ng Alicia, Isabela.
Samanatala paalala ni PMaj.Christian Felix ang Hepe ng San Mateo Police Station sinabi niya na maraming mga aksidente sa kalsada ang kanilang naitatala.
Hanggang ngayon ay mayroon parin mga sasakyan ang nakahimpil pa rin sa himpilan ng Pulisya.
Aniya mas mainam na magmaneho ng may sapat na proteksyon sa katawan gaya ng helmet.
muli ay binigyang diin ng opisyal na huwag magmaneho kung nakainom para maiwasang masangkot sa aksidente.