--Ads--

Arestado ang isang lalaki sa Brgy. Turayong, Cauayan City sa ikinasang implementasyon ng warrant of arrest ng Cauayan City Component Police Station

Ang suspek,40-anyos, may asawa ay kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Turayong, Cauayan City ay naaresto sa kasong paglabag sa RA 9165 o Dangerous Drugs act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms anf Ammunition Regulation Act.

Sa bisa ng arrest warrant nakumpiska ng mga awtoridad sa loob ng bahay ng suspek ang 1-heat sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, isanh 45 caliber pistol, isang wooden air rifle, aluminum foil, plastic tube at iba pa

Dinala ang mga nakumpiskang drug item sa Cauayan City Forensic Unit para sa laboratory examination

--Ads--

Ang suspek ay kasalukuyang nasa pag iingat ng Cauayan City Police Station para sa dokumentasyon.