--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaghahanda na ng Isabela Police Provincial Office ang gaganaping National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo sa Lungsod ng Ilagan sa araw ng Lunes, ika-13 ng Enero.

Ang naturang aktibidad ay dadaluhan ng humigit kumulang 45,000 na miyembro ng INC mula sa Cagayan, Isabela, Quirino at Kalinga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng IPPO, sinabi niya na magtatagala sila ng Police Assistance Desk sa mga pangunahing kalsada upang asistahan ang mga dadalo at upang maiwasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko.

Nakipag-ugnayan din sila sa ibang sangay ng Law Enforcement Agency gaya ng K9 Unit at Intelligence unit upang maabot ang kanilang target na zero incident.

--Ads--