--Ads--

Iginiit ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na hindi magiging malala ang kakulangan ng itlog sa bansa sa mga susunod na buwan.

Ito ay matapos ihayag ng kagawaran ng pagsasaka na maaaring magkaroon ng shortage ng itlog sa bansa pagsapit ng buwan ng Abril dahil sa pagkakaroon ng sobrang suplay ng itlog noong nakaraang taon na nagresulta sa pagbaba ng presyo nito.

Dahil dito ay maraming nalugi na mga local producers na mas piniling katayin ang kanilang mga inahing manok para kumita.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Chairman Rosendo So ng SINAG, sinabi niya na sa ngayon ay malakas ang production ng itlog kaya wala dapat masyadong ikabahala.

--Ads--

Maaaring ibinase na lamang nila ang kanilang pahayag sa bilang ng mga producers na gustong katayin ang kanilang mga inahin ngunit kung madelay umano ito ay maaaring hindi magkaroon ng shortage.

Sa ngayon ay nasa 5.50 – 6 pesos ang medium size ng itlog sa mga farm at masyado aniya itong mababa kaya umaasa sila na maging 7 pesos ito para hindi naman malugi ang mga egg producer.

Isa sa mga hakbang na nais gawin ng DA upang hindi magkaroon ng shortage ay ang pag-aangkat ng mga manok na nangingitlog at wala namang nakikitang problema rito ang SINAG.