--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang 79-taong-gulang na lalaki ang binugbog hanggang sa bawian ng buhay ng kanyang sariling anak sa Barangay Tabucbuc, Marcos, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima bilang si Pedro Tolentino Mateo, isang magsasaka at residente ng Sitio 6, Barangay Tabucbuc, ayon kay Marcos Municipal Police Station Chief, P/Capt. Roi Manuel Ordonio.

Ang suspek ay nakilalang si Joel Pasion Mateo, 44, isang magsasaka at residente rin ng parehong barangay.

Ayon sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng maraming sugat ang biktima dulot ng pananakit na nagresulta sa kanyang kamatayan.

--Ads--

Agad na isinugod ang matandang lalaki sa Doña Josefa Edralin Marcos District Hospital, kung saan siya idineklara ng doktor na Dead on Arrival.

Nahulog na sa kamay ng mga awtoridad ang suspek at inaasahang haharap siya sa mga kaukulang kasong kriminal.