--Ads--

Sinabi ng vlogger at disc jockey na si Jellie Aw na handa siyang patawarin ang kanyang fiancé na nang-abuso umano sa kanya, subalit idinagdag na kailangan nitong managot.

Inalala ni Jellie ang pang-aabusong naranasan niya habang nasa expressway noong Miyerkules.

Aniya, hinila ng kanyang fiancé ang kanyang buhok habang nagmamaneho siya, idinagdag na sinuntok din siya na nag-iwan ng maliit na blood clot sa kanyang mata. Gayundin, naputol ang kanyang ngipin at namaga ang taas na labi.

Naghain na ng reklamo ang vlogger-DJ sa National Bureau of Investigation, na kasalukuyang tinutugis ang kanyang fiancé.

--Ads--

Sinuri rin ng NBI ang sasakyan ni Jellie kung saan naganap ang insidente upang idokumento ang ebidensya.