--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtapos sa unang pwesto o overall champion ang 3rd Legislative District ng Isabela sa katatapos na Isabela Provincial Atlethic Assiciation meet.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Division Sports Officer Manolo Bagunu ng SDO Isabela sinabi niya na napanatili nila ang kampeonato at humakot ng 195 gold medals sa sporting events na ginanap sa Cordon, Isabela.

Aniya maayos na natapos ang lahat ng mga sporting event maging ang combative event kaya wala silang naitalang injury sa kanilang atleta dahil sa hindi nagsimula ang bawat laro ng walang presensya ng mga medical staff.

Samanatala, matapos ang matagumpay na karera sa Isabela Provincial Atlethic Assiciation meet ay pinag hahandaan na ng SDO Isabela ang CAVRAA 2025 na gaganapin sa Lunsod ng Santiago.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Baguno na inihahanda na nila ang listahan ng mga atletang sasabak sa CAVRAA na isusumite sa Provincial Government para sa mga kakailanganin ng deligasyon ng SDO Isabela.

Puntirya ng SDO Isabela na mapanatili ang korona at pagiging over all champion at mahgitan pa ang nahakot na medalya nitong nagdaang taon.

Bilang paghahanda ay may ilang pagbabago silang ginawa para mas mapalakas pa ang mga aleta ng Isabela.