CAUAYAN CITY-Maglalagay ang Isabela highway Patrol Group ng motorist assistance hub sa mga bus terminal sa lalawigan ng Isabela sa darating na long weekend.
Nais ng HPG na matiyak ang kaligtasan ng mga mananakay at matulungan ang mga motorista sakaling magkaroon ng problema.
Ayon kay Pmajor Rey Sales ng HPG Isabela, marami ang uuwi sa long weekend at dadagsain ang mga bus terminals kaya minabuti na nilang magtatag ng Motorist hub sa mga terminal
Sisiguruhin din na makakatulong ng Land Transportation Office ang kanilang opisina sa paninita sa mga motorista o mga sasakyan na makikitaang may violation
Bukod dito, bibisitahin din ng kanilang hanay ang mga resort at ilog kung saan magpupuntahan ang publiko para maligo
Paalala ng opisyal sa mga motorista, siguruhin ang lock ng mga sasakyan lalo na kung pupunta sa mga lugar na dinadagsa ng mga tao











