--Ads--

CAUAYAN CITY- Isang Lalaki, Arestado sa Isinagawang Buy-Bust Operation sa Santiago City Kaugnay ng Paglabag sa RA 10591 at Election Gun Ban

Ang Operasyon ay Isinagawa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Isabela, katuwang ang Regional Intelligence Unit 2 at Santiago City Police Station, ang isang entrapment/buy-bust operation laban sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Election Gun Ban noong Mayo 3, 2025 sa Barangay Buenavista, Santiago City.

Ayon sa ulat ng CIDG, nakilala ang suspek sa alyas na “Berto”, 46 taong gulang, isang drayber ng traysikel, at residente ng Ramon, Isabela.

Narekober mula sa suspek ang isang (1) yunit ng 12 gauge shotgun, dalawang (2) piraso ng live ammunition para sa 12 gauge shotgun, boodle money, at isang cellphone. Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIDG Santiago City ang suspek para sa dokumentasyon at nararapat na disposisyon.

--Ads--