--Ads--

Arestado ang isang 31-anyos na lalaki matapos umanong magbenta ng hinihinalang shabu sa isang poseur buyer sa isinagawang buy-bust operation sa Purok 5, Barangay Buag, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek sa alyas na Kit-Kit, 31 anyos at binata, na naaresto nitong Setyembre 19, 2026 ng Bambang Police Station kasama ang Provincial Intelligence Unit, Provincial Drug Enforcement Unit at 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company.

Narekober mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa kabuuan, nasa 1.1 gramo ang nakumpiskang hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng 4,950 pesos, bukod pa sa iba pang non-drug paraphernalia.

--Ads--

Isinagawa sa lugar ng operasyon ang pagmamarka at pag-iimbentaryo ng mga nakumpiskang ebidensya sa harap ng suspek, mga opisyal ng barangay at kinatawan ng media.

Ayon kay PMaj. Michael N. Gobway, hepe ng Bambang Police Station, patunay ang operasyon sa patuloy na kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga.

Nanawagan naman ang Bambang Police Station sa publiko na agad iulat sa mga awtoridad ang anumang impormasyong may kaugnayan sa ilegal na droga upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa Bambang at buong Nueva Vizcaya.