--Ads--

Pinaghandaan na ng mga muslim sa Cauayan City ang Eidl Adha na posibleng ganapin sa Biyernes, ika-6 ng Hunyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Imam Cairoding Gumama, sinabi niya na bilang paghahanda sa Eid al aadha ay obligadong maghahanda ng kakataying kambing o baka ang mga kapatid na Muslim.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na anunsyo ang nakatataas kung kailan ang Eidal Adha kung ito ba ay sa Huwebes o Byernes gaganapin subalit nakahanda na ang mga kakataying alagang kambing at baka.

Ayon sa pamunuan ng Muslim Community sa Cauayan City, ito ang pag-alala ng mga Muslim sa kahandaan ni Ibrahim na isakripisyo ang kaniyang anak na si Ishmael bilang pagsunod sa utos ni Allah.

--Ads--

Dagdag pa ni Imam, ito ay isa sa mga pinakamahalagang kapistahan sa Islam at ang pangalawang pinakamalaking kapistahan ng mga Muslim.

Ang pagdiriwang ay hudyat din ng pagtatapos ng taunang Hajj o Islamic pilgrimage sa Mecca sa Saudi Arabia.

Ilan sa inaasahang aktibidad sa Eid’l Adha ay ang sama-samang pagdarasal ng mga muslim, na nagsisimula ng alas kwatro trenta ng umaga sa Takbir o dasal habang hinihintay ang alas sais o alas syete na pagsikat ng araw.

Pagkatapos ng pagdarasal ay magkakaroon na ng salo salo kung saan magbibigay ng tupa, kambing, baka o camel ang mga Muslim na mayayaman o mayroong kaya sa buhay.

Ang hayop ay hahatiin sa tatlo at pagbabahagian. Isang bahagi ay para sa pamilya, isa para sa mga kaanak at kaibigan, at isa para sa mahihirap at nangangailangan.