--Ads--
Pumanaw na ang kilalang wrestling icon na si Hulk Hogan sa edad na 71 dahil sa cardiac arrest, ayon sa mga awtoridad sa Clearwater, Florida nitong Huwebes.
Si Hogan, na ang tunay na pangalan ay Terry Bollea, ay isa sa mga pinakatampok na personalidad sa kasaysayan ng WWE. Siya ang pangunahing tampok sa unang WrestleMania noong 1985 at maraming ulit na naging WWE champion.
Noong 2005, kinilala siya bilang isa sa mga pinakadakilang wrestler sa pamamagitan ng kanyang pagkakaluklok sa WWE Hall of Fame.
Bukod sa wrestling, sumikat din si Hogan sa mga pelikula at palabas sa telebisyon. Noong 2016, naging laman din siya ng balita matapos manalo sa isang $115 milyon na demanda laban sa Gawker Media.
--Ads--











