--Ads--

Dead on the Spot ang isang Pilipinong turista matapos siyang masalpok ng taxi habang papalabas sa Nina Hotel Tsuen Wan West, Hong Kong.

Nawalan ng kontrol ang isang taxi at bumangga sa isang 35-anyos na lalaking Pilipinong turista bago tumama sa pader ng hotel.

Nawalan ng malay ang biktima at idineklarang patay pagdating sa ospital. Ang tsuper ng taxi, tinatayang nasa edad 70, ay nagtamo rin ng sugat at nilapatan din ng lunas.

Nahuli sa dashcam ang insidente na mabilis kumalat sa social media makikita na habang palabas ng hotel, may bitbit na maleta at tila abala sa kanyang cellphone ang biktima.

--Ads--

Sa hindi inaasahang pangyayari, biglang bumilis ang takbo ng taxi at malakas na bumangga sa biktima, naipit ito sa pagitan ng sasakyan at pader ng hotel.

Makikita sa video ang biktima na bumagsak sa lupa at pilit bumangon, ngunit hindi na kinaya. Agad namang rumesponde ang mga staff ng hotel matapos marinig ang malakas na kalabog.

Dahil sa impact ay nawasak ang harapan ng taxi. Agad na kinordon ng pulisya ang lugar at nagsimula ng imbestigasyon sa sanhi ng aksidente. Ayon sa ulat, ang biktima ay nasa Hong Kong kasama ang mga kaibigan para sa bakasyon at nakatakdang umalis sa araw ng insidente.

Nagdulot ng matinding pagkabahala ang video sa publiko, na nagbigay-diin sa panganib ng paglalakad habang distracted at sa pangangailangan ng mas mahigpit na safety measures sa mataong lugar. Ayon sa mga saksi, tila mabilis ang takbo ng taxi at parang projectile na tumama sa pedestrian.