--Ads--

Muling gumuho ang Flood control Roject sa Riverside ng Barangay Alicaocao dahil umano sa mga naranasang pag-ulan.

Sa impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan sa ilang residente sa lugar ito na ang ikatlong beses na gumuho ang naturang proyekto.

Ayon sa pagsisiyasat ng Bombo Radyo Cauayan batay sa Sumbong sa Pangulo Website lumalabas na ang complition ng project ay Agosto 2022 subalit hanggang ngayon ay ginagawa parin ito at ang bahagi ng proyekto na tapos na ay muling gumuho.

May initial fund ito na mahigit 44 million pesos na proyekto ng dalawang construction company kung saan ang isa ay naka base sa Lunsod ng Ilagan.

--Ads--

Batay sa mga residente posibleng ang dahilan sa paulit-ulit na pagguho ng proyekto ay dahil sa basang lupa.

Inihayag ni Roger Agcaoli madaling araw ng September 7 ng marinig niya ang tila pagtunog ng mga bakal sa slope ng flood control hanggang sa unti-unti itong dumausdos.

Sa katunayan ay naranasan din niya magtrabaho sa naturang proyekto bilang construction worker at masasabi niyang makapal naman ang mga bakal na ginamit nila habang ginagawa ito kaya naman duda niya na marahil ang ang pag-ulan at basang lupa ang sanhi ng pagguho nito lalo at tuloy-tuloy ang paggawa sa proyekto kahit basa ang lupa.

Sa ngayon sinisikap parin ng himpilan ng Bombo Radyo Cauayan nakunan ng panig ang Constractor ang proyekto maging ng DPWH 3rd District Engineering Office na may sakop dito