--Ads--

Patay ang isang motorista matapos bumangga sa kasalubong nitong tricycle sa Brgy. Casalatan, Cauayan City, Isabela bandang 7:30 ng gabi.

‎Kinilala ang nasawing biktima na si Roberto Andres, 40 anyos self-employed, at residente ng Brgy. Ara, Benito Soliven, Isabela.
‎
Sa ulat ng Cauayan City Police Station, si Andres ang nagmamaneho ng isang Rusi ZX 125 motorsycle nang makabanggaan niya ang minamanehong tricycle na pagmamay-ari ni Jaime Itable , 43 taong gulang at mula sa Brgy. Sinippil, Cauayan City.
‎
‎Batay sa inisyal na imbestigasyon, parehong bumabaybay sa Provincial Road, P-1, Brgy. Casalatan ang dalawang sasakyan ngunit magkasalungat ang direksyon ng mga ito. Papunta sa Casalatan Proper si Fontanilla habang papunta naman ng Barangay San Pablo si Itable.
‎
‎Pagdating sa isang pakurbang bahagi ng kalsada, sinasabing pumasok sa linya ng kasalubong na sasakyan si Andres, dahilan upang magbanggaan sila ng tricycle ni Itable.
‎
‎Agad na isinugod ang dalawang biktima sa pinakamalapit na pagamutan ng Rescue 922, ngunit idineklara nang dead-on-arrival si Andres habang si Itable naman ay patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.
‎
‎Parehong nagtamo ng pinsala ang dalawang sasakyan at tinatayang may hindi pa natutukoy na halaga ng danyos. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kaugnay ng insidente.