--Ads--

Inatake ng Israeli Air Force (IAF) ang mga pasilidad ng armas ng Hezbollah sa mga bayan ng Kfar Tebnit at Ain Qana matapos magbigay ng evacuation warnings ang Israel Defense Forces (IDF).

Ayon sa militar, tinarget ang ilang weapon depots upang pigilan ang muling pagtatayo ng Hezbollah.

Isa sa mga pasilidad na tinamaan ay matatagpuan sa gitna ng sibilyang populasyon, na tinukoy ng IDF bilang halimbawa ng paggamit ng Hezbollah sa mga sibilyan bilang human shields.

Sinabi ng IDF na nagbigay sila ng advance warnings upang mabawasan ang pinsala sa mga sibilyan.

--Ads--

Kinumpirma ng IDF na tinamaan nila ang lugar ng Harouf sa southern Lebanon, kung saan napatay ang teroristang si Ali al-Hadi Mustafa al-Haqqani, isang mataas na opisyal ng Hezbollah sa aerial defense.

Ayon sa militar, si al-Haqqani ay sangkot sa muling pagbubuo ng imprastrukturang militar ng Hezbollah.

Sa isa pang operasyon sa Ansariya, napatay din ng IDF ang isa pang terorista na kasangkot sa rehabilitasyon ng pasilidad militar ng Hezbollah.

Samantala, nagbigay ng matinding babala si Prime Minister Benjamin Netanyahu laban sa Iran at sa mga grupong nagbabantang wasakin ang Israel