--Ads--

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2 sa pamilya ng nasawing bata sa aksidente sa San Felipe, Ilagan City, Isabela.

Matatandaan na nitong Pebrero 4, 2026 ay nasawi ang 10-anyos na estudyanteng lalaki matapos mabangga ng dumptruck ang sinakyan nitong tricycle.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2, nasa ₱15,000 ang naibigay na tulong pinansyal ng kanilang ahensya sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) para sa burial assistance at iba pang pangangailangan ng pamilya.

Maliban sa tulong pinansiyal ay sasailalim din sa counceling sessions ang pamilya ng biktima upang matulungan ang mga ito na maibsan ang kanilang pagdadalamhati.

--Ads--

Titingnan naman ng kanilang tanggapan kung mayroon ding separate na tulong na maipaabot sa mga magulang ng biktima na nadamay din sa aksidente.

Nilinaw naman ni Regional Director Alan na magkakaiba ang halag na naipapaabot ng kanilang ahensya sa pamamagitan ng AICS depende sa sitwasyon ng mga indibidwal na nangangailangan ng tulong.