Inimbitahan ni PCG spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela si Senator Rodante Marcoleta sa Maritime Domain Awareness Flight ng ahensya sa Kalayaan Group of Islands matapos ang naging pahayag ng Senador na isuko na lamang ang naturang isla.
Ang imbitasyon ay ipinadaan ni Tarriela sa kaniyang social media account nitong sabado ng gabi, Pebrero 7.
“Let us give Senator Marcoleta a chance. I am sure that he is truly a patriotic public servant who can stand for our rights in the West Philippine Sea,” ani Tarriela.
“I suggest that the good senator join the MDA flight to the Kalayaan Island Group in the future,” dagdag niya.
Ang imbitasyon ay kasunod ng mungkahi ni Marcoleta sa pagdinig ng Senado noong Miyerkules na i-“give up” na lamang ang Kalayaan Islands. Dinipensahan naman ng senador ang kanyang pahayag, na aniya’y in-abbreviate ang konteksto.
Handa naman umano si Tarriela na asikasuhin ang flight para sa senador.







